Monday, July 27, 2009

Creme Caramel

Hindi ako marunong magluto. Ok, kaya ko naman magpa-andar ng stove (electric or LPG, may pipihitin ka lang, oha oha), at kaya ko din mag-prito ng itlog, hotdog, corned beef, meat loaf at galunggong. Marunong din akong maglaga ng itlog at gumawa ng super sarap at tamang tama lang ang pagkakulo na Lucky Me Pancit Canton (kahit anong flavour pa yan).

Pero ang pagkakaalam ko, hindi ako marunong magluto.

Wala akong alam na dahilan. Siguro dahil napakagaling na cook ng Daddy ko, isama mo na lahat ng pamilya ko. Pwede din dahil sa panganay ako at breadwinner-ish (yehey!), or tamad lang talaga ako. Basta di ko nakahiligan.

Isang Sabado, dahil na rin wala akong magawa (wala na akong pasok sa university), nililista ko ang mga laman ng pantry namin sa Epping. Wala kasing nakakaalam kung ano ba talaga ang nandun, kaya nagdo-doble doble pag naggro-grocery.

Pumasok ang tita ko sa pantry room. "Marunong ka ba magbasa?"

Sabi ko ng bonggang bongga, "Oo naman!" Totoo, babad ako sa internet madalas, at meron akong backlog na mga libro na binili ko at di ko pa nababasa, pero expert ako dyan. Nang bonggang bongga!

Binigyan niya ako ng libro. "Page 242. Creme Caramel. Parang leche flan lang yan. Alis muna kami." Tinignan ko ang cover. Flavours of France.

Hala! Binuksan ko ang page 242. May malaking litrato ng Creme Caramel. Tignan nga natin kung kaya ko 'to! Unang una ang ingredients.



CARAMEL
100g caster sugar

850ml milk
1 vanilla pod
125g caster sugar
3 eggs, beaten
3 egg yolks

Okay! Medyo nahirapan ako sa meaurement ng grams (mahabang kwento), pero sa bandang huli, HAH! Nagawa ko nang ipagsama sama ang ingredients. Lutuan na!



To make the caramel, put the sugar in a heavy based saucepan and heat until it dissolves and begins to caramelize - tip the saucepan from side to side as the sugar cooks to keep the colouring even. Remove from the heat and quickly add two tablespoons of water to stop the heating process. Pour into six 125ml ramekins and leave to cool.

Okay. Na-lost na ako. Needless to say, dalawang palpak ang nagawa ko. Masyado yatang malakas ang init ng stove kaya nanigas ang asukal. Duh!



Pero finally nalagay ko yung syrup sa ramekins. Hindi ko alam kung paano, pero nagawa ko.



Okay. Pagkatapos medyo uneventful and paggawa ng custard (ayoko nang pahabain), pero finally nagawa ko! Nalagay ko sa oven for 35-40 minutes, at dahil akala ko palpak, ni-try ko lang sa dinner plate ko. Ayos, successful!






+++

Sa apat naming masusugid na readers (apat in total, kasama na kaming dalawa), pasensya na sa hiatus. May inayos lang kami ni Nuriko.

Sunday, July 26, 2009

Magtanim ay di Biro

Eto ako at nagbabalik. Medyo natagalan ang bagong post dahil sa mga aberya at mga excuses na gasgas na sa pandinig ni Ria.

Lately ay busy kasi ako sa pag-aayos at pag-update ng personal blog ko. Nagiisip ako ng mga gimik para hindi ako maubusan ng traffic at magkaroon pa ng maraming mga kaibigan sa blogosphere. Nitong mga nakaraang linggo naman ay sumusubok ako ng mga bagong adventures para hindi naman ako maburyo sa kahaharap lang sa PC tuwing araw ng Sabado at Linggo. Kahapon nga lang ay nakisabit ako sa Tree Planting Activity ng opisina namin. Totoong may concern ako sa kalikasan at hindi ako sumama para sa libreng white t-shirt at breakfast/lunch na galing sa Mcdo lamang. Pero syempre, cool din yun!

Sa totoo lang, para kaming mga highschool students na may field trip kung ikukumpara sa ibang mga aakyat na todo sa porma ng mga hiking things nila. Pero wala kaming paki. Ayos lang naman sa amin na pagdating sa taas ay mag-aerobics pa kung kaya pa ng aming mga katawan. Ang problema, nakakapagod pala talaga. Pero enjoy naman ang magtanim ng puno. Naka-anim akong tanim. At how I wish na sana tumubo sila kasi for sure ay hindi na ako makakabalik sa lugar na yun kahit na may tree planting ulit next year. May dahilan naman kasi na sa mga darating na panahon ay ipapaalam ko rin.



Puro salubsob ng talahib ang kamay ko. Unfortunately, wala akong kuha habang nagtatanim. Pero masayang experience ito lalo na pag broken-hearted.

Ayoko nang maging half-baked. Sobrang sinisikap kong maluto sa oven ang aking mga plano at maibenta na sa paniderya at mga suking tindahan. Kasi aanhin mo ang sangkatutak na ideya kung wala ka namang aksyon at kayang tapusin. Salamat at nasoplak ako ni Ria. Pero bago pa niya sabihin sa akin yun sa usual niyang pamamaraan na medyo mapapa-ouch ka na lang, matagal ko nang alam na ningas-kugon ako. Na gusto ko nang baguhin... Alam ng Lord yun.

Well hanggang dito na lamang ulit at tatapusin ko ang entry na ito sa isang larawan na proud na proud ang tatay ko...



Ang tatay ko ang nasa pinaka-kaliwa. Masayang-masaya siya at lumalawak ang network niya. Artista na ang kasama nila sa larawan. Sayang nga lang daw at hindi maganda ang long sleeves niya. Plano ko tuloy siyang bilhan ng bago at yung type na niya ang kulay.

Wednesday, July 8, 2009

Mga Litrato Ni Ria At Nuriko, atbp.

Syempre ngayon lang ako naka-update ulit, pero hindi naman ako nangako na araw-araw, so keri lang. Nae-enjoy ang camera ko makalabas labas ulit, so ayos yun.

Hindi ko kilala yang mga babae na nilagay mo sa huli mong post (mahina ako sa pop in general), pero walang panama yan sa mga ito:



I'm sure may mas vintage pa dyan (graduate na yata tayo nyan), pero di ko na mahanap. Yung naalala ko lang may coop picture tayo na naka Tasmanian Devil shirt ka (with matching 'Kirara' hairclip) at naka orange Tigger shirt naman ako (with Buddha Beads accesories). Unfortunately, kahit alam kong nai-scan at na publish ko yun for all the online world to see, closed na ang geocities/village photos account ko.

Heto na ang pinaka-lumang Ria/Nuriko photo ko, galing sa baul, at napaka-chaka ng resolution, kuha ng panahon ng Systems Analysis and Design:



2003 pa nun, at di pa uso/di pa affordable ang laptop. Dala dala natin ang mga mammoth sized CPU natin pag nagpre-present. Shala pa kasi kelangan mag-special trip sa tricycle. Mahirap din kasi dala dala mo yun mula gate hanggang main.

Tapos pabalik.

Syempre iba na ngayon. Nung nag systems ulit ako, lahat kami may laptop na. Kung saan saan kami nakakarating, pero keri lang kasi ang gaan gaan ng feeling.

Ewan ko kung meron ka pang mas vintage pa dyan (o meron kang kopya ng litrato na tinutukoy ko), share mo na lang if ever.

+++

CURRENT PHOTOS

Naalala mo nung sinabi mo na pag pumunta ako sa Opera House makikita ko yung lovelife ko? Well, officially dalawang taon na ako dito, at di na mabilang ang pagdaan ko sa bahay na ito pero wala pa rin. Gayunpaman, masarap naman gawing photo-op ang bawat bisita. Minsan din pwede kang mag-muni muni.

Etong latest, dumating kasi yung tita ko galing Manila, so syempre, kelangan gawin ang mga touristy things to do 101. Picture picture! Dahil marami na akong kuha dun, ako naman ang photographer. Nakuhanan din naman ako...nakaupo sa bangketa.



May park sa tabi ng Opera House. Ang tawag ay Royal Botanical Gardens (refer to old Mga Sulat Ni Nuriko blog for more pictures). Malaki yun e, ngayon lang ako nakaikot ikot kasi may turista.




Pero maganda pa rin ang Opera House. Lovelife or no Lovelife.

Saturday, July 4, 2009

Swine Flu Scare

Second attempt sa paggawa ng entry ko today. Nagbrown out ng mga dalawang segundo tapos yung entry ko patapos na, hindi ko na-save. Kaasar di ba?

Asar din si mama kapag sinasabi kong baka Swine Flu na itong sakit ko ngayon (sabay uubo nang malakas na hirap na hirap). Wala lang. Naglalambing lang naman. Kaligayahan ko na ang maipagtimpla ng tatay ko ng Milo at mabilhan ng nanay ko ng puto dito.

Bukas baka hindi pa rin ako makapasok. Tagulan pa naman ngayon. Paborito ko kasing mabasa ng ambon. Ewan ko ba. Feeling ko cute ako pag mukhang basang-sisiw. Parang sa Korean series na may dramatic touch pag naglalakad sa ulan na parang walang pakialam sa paligid habang iniisip ang palpak na lovelife.

Anyway, namimiss ko si Choco Loco Super ng Quickly, with P10 additional pudding. Kilala na yata ako nung nagtitinda sa Megamall. Kasi pag PM ang schedule ko, madalas ako bumili dun. Lagi ko naman natityempuhan yung tindero/tindera na laging nakayuko na parang may ginagawa sa ilalim ng stall. Tapos magugulat, may bibili na pala.


Yun lang, ubos na. Ang layo ba naman ng Megamall sa Wynsum building eh.

(Nag-save ng entry. Baka magbrown out ulet)

Wala akong latest na portrait ng sarili ko. Mukha nga talaga akong maysakit at parang walang sawa sa pagiyak dahil mukhang mugto ang mata. Itong isa na lang na kuha ko nung two weeks ago. Nainspire kasi ako sa make up ni Rox (Rin on the Rox). Ang ganda lagi ng ayos niya sa mga videos sa youtube at (save ulet) gusto kong makuha ang super technique niya. Hindi niyo lang alam kung ilang sites ang napuntahan ko para pagaralan kung paano magapply ng tamang make up para hindi magmukhang patay sa camera...




Ito lang ang nakaya ko. Trying hard. Wala akong blower kaya mukhang basang sisiw. At parang wala akong blush on. Hindi rin bronzer ang gamit ko. May mascara pero hindi halata. Pasensya naman.

Next time ito naman ang subukan ko:

Wish ko lang noh? Kaya lang marami na namang magri-react kung saan ako nagparetoke.

Dami nang MJ tributes sa T.V...

May blog project akong isa. Tagalog din yun. Balitaan ko na lang kayo.

O siya!

Friday, July 3, 2009

Tatlo

Tatlo! Mukhang mabilis ang updates ngayon. Ayos yan. Alam mo na, sabi nga nila, strike the iron...

Pero ayun. Tagalog nga pala tayo. So anong petsa na ngayon? Friday na. Sabi ko pa naman Monday maglalagay ako. Sinabi ko din na twice a week. Pero gusto ko tignan kung mapapansin ni Nuriko na nag-post na ako, haha. Ayun, nag-advertise na din siya. Kaya as of writing, hindi na tatlo ang readers namin kundi apat. (Tatlo = ako, si Nuriko at isang tao na itago na lang natin sa pangalang Tin L.)

Tungkol sa problemang puso, naalala mo nung kumakanta ka ng Pretty Boy sa bus? Gaano katagal na yun? Pero kaya mo pa rin tumawa di ba? So kaya mo yan. Nakita na din kita sa iba ibang levels of unrest mo. Alam ko, kaya mo yan. =)

Ta-daan. Nilabas ko na yung camera ko sa lalagyan. Gusto ko sana kunan ang Parramatta River pag dumadaan yung tren ko papasok sa office. Lagi akong namamangha. Pag nasa tren ka, minsan napapaisip ka kung ano ba talaga gagawin o ginagawa mo. Pinipilit mo ilabas ang mga nasa laman ng isip mo, at ibalik ng alpabetical order. Or i-sort by priority.

Or matulog ka na lang. Unfortunately, sa pagkakataon na'to, nakatulog ako. Pag gising ko, medyo nalampasan ko na picturesque na area ng ilog:



Next time na lang.

Thursday, dumating ang kaibigan at officemate ko dati (sa Clark) sa Sydney, so inikot ko siya. Mga alas kwarto ng hapon, dalawang beach, isang ferry ride, tatlong sakay sa tren at sandamakmak na touristy things to do, naramdaman ko na napahiga ako sa damo sa Royal Botanical Gardens sa Sydney. Tapos naalala ko na dala ko pala yung camera ko.




Self portrait-ish.



Hanggang sa susunod na photo entry!

PS. Nuriko, kelangan pag usapan natin, pero gumawa tayo ng CSS projects! I'm so game na!

Thursday, July 2, 2009

Ikalawang Bahagi - Post ni Nuriko

Mabuti naman at naisipan ni Ria na tagalog na lang ang gamiting medium sa blog na ito. Dumudugo kasi ang ilong ko pag siya ang kapartner ko sa kahit na anong kaechosan. Nakakatamad tuloy kadalasan magblog. Kasalukuyan kong ginagawa ang post na ito habang may flu at matinding dry cough. Medyo napaparanoid pa kasi ayokong magka-H1N1.

Kamusta na nga ba ako? Eto, nasa healing process na naman ang puso. Pang-ilan na ba ito Ria? Isinabuhay ko yata ang song na Buses and Train ni Bachelor Girl (tama ba?). Pero sa kabuuan, ayos lang. Ganun pa rin. Walang nabago liban na lang sa personal relationship sa Lord kasi importante yun!

Salamat sa brief description ni Ria, hindi ko na kelangan magpaliwanag. Pero basta kami ay matagal na talagang magkaibigan. Away-bati nung college pero natutong bagayan ang isa't-isa habang tumatagal. Hindi ko malilimutan ang pelikulang Moulin Rouge nung kolehiyo. Naginarte ako kaya ilang araw o linggo kaming hindi nagusap nito ni Ria. Pero kahit ganun, minahal ko na rin siya. Kasi sa lahat ng season sa buhay ko, andun siya sa background; nakikinig, nagsesermon, nakikidalamhati at nakikisaya.

Dahil nagpost na si Ria ng pic niya, maaari ba namang wala rin ako? Malabo yun eh cam whore din ako. So eto, feeling ko ako ang babae at matandang version ni Santino.



Hindi yan, Boys Over Flower yan. Mahal ko na silang lahat. Plano ko gayahin ang style ni Geum Jan Di.

Eto ako:



Ayan... Sige, tulog na ulit ako... Next time na lang.

Saturday, June 27, 2009

Unang Bahagi

Syempre, heto na naman kami ni Nuriko sa isa sa mga ideya namin. Minsan chika lang, minsan nagagawa pero hindi natatapos, minsan nasisimulan. Etong photoblog napag-usapan na, matagal na. Gusto ko naman ng tagalog ngayon.

At syempre, para sa ikakaalam ng mga readers namin (mga 3), hindi pa rin ako marunong mag-make up.

Maganda ang ideya na ito kasi matagal ko nang hindi nailalabas ang camera ko. Dami kasi gawa e. Pero di ba...yun lang.

EVOLUTION/BRIEF DESCRIPTION

Ria - chronic blogger. May mga 5 blogs in existence, pero isa lang ang malimit na sulatan, at hindi public. Mabuting (charing) kaibigan ni Nuriko ng mga 5-6 taon.

Nuriko - web designer. Idea machine. Dramarama sa hapon at pink ang libangan. Sandamakmak na blogs (di na mabilang!)

Mga Sulat Kay Nuriko - ang photoblog na sinimulan, hango sa librong Dear Mr. Henshaw ni Beverly Cleary, at matinding kalungkutan ng unang buwan sa Sydney.

Sa Lunes, maglalagay ako ng litrato. Ayoko sabihin na everyday (mahirap yun!) pero siguro twice a week muna (para safe!)


Lumang litrato: Yayoi Kusama exhibit chorva.